MAGKANO ANG PAGIGING TALENTADO?

Dyos ko po! Bakit ba iyong hinayaan?
Na sa Talentado Grand Finals, umuwing talunan?
Ang paborito nilang si MAKATA-TAWANAN
Bakit si YOYO TRICKER ang iyong pinaburan?

Hindi ba't ang hinahanap ay mga talentado?
Na kumakatawan sa madlang Pilipino
Anupa't ang nagwagi'y walang kwentang yoyo
Hindi ko po matatanggap, ang aking pagkatalo..

Napatawa ko ang buong CUNETA
Sa aking ginawang, tulang may komedya
Sabi nga ni Tito Joey, ako'y pambihira
Naaliw ang lahat, natuwa ang bansa..

Kinilig sa aking itong ngang si Juday
Si Alessandra nama'y muntik ng hinimatay
Si Direk Odie nga'y, tumulo ang laway
Si Direk Joey nama'y taas ang dal'wang kamay..

Napahanga ko ang mga Pilipino
Sa aking armas na likas na talento
Hindi sa simpleng pagpapaikot ng YOYO
Nabibili pala ang maging TALENTADO..

:(

Sa aking mga fans, hayaan na lang ninyo
Yan po ang kapalaran ng abang tulad ko
Akin na lang gagamitin ang malayang espasyo
Ng makabagong internet para sa'king talento..

2 comments:

  1. wag kang mag alala, kaibigang makata
    kung hindi pinalad sa kanilang pagpapasya
    madami namang tao ang sa iyo'y napatawa
    pagka pilipino ay nabuhay sa kanila


    madami na ngayong sa iyo'y humahanga
    sa iyong talentong paggawa ng tula
    ibilang mo ako sa taga sunod mo
    pagkat kagaya mo, ito rin ang gusto ko!

    --donna

    ReplyDelete