PAMPALUBAG-LOOB..

Mabuti na lamang at aking naisipan
Na pagsulat ng tula, dito'y simulan
Sapagkat tunay ngang aking napatunayan
Na ako ang panalo sa tingin nitong bayan..

Salamat sa mga haplos ng kaibigan
Taglay kong kabigua'y dagliang nabawasan
Sa facebook, maraming nag-like na mga fans
Sa unang tula kong, tula ng kabiguan.

Hindi magsasawa si Makata-tawanan
Na sa inyong lahat, maging kasiyahan
Susunod kong panulat, inyo sanang abangan
Sa bagong website kong, inyo sanang tutukan..

Pakiusap ko lang, sa'king mambabasa
Mga advertisements, pindutin nyo po sana
Upang si Makata, kahit pano'y kumita
Baka isang milyo'y, aking ring matamasa..

Hindi man po pinalad ang inyong abang lingkod
Umasa po kayong, lalo pang itataguyod
Ang komedya ng balagtasan, hindi man mapanood
Dito po sa website ko'y daig pa ang mga bold..

Kung may paksa pong ibig nyong gawan ko
Ng tulang patawa, ng tulang luko-luko
Wag mag-atubiling ipaalam sa lingkod nyo
Inyo pong kahilingan, ibibigay ora-mismo!

->For suggestions of topics, please add us on facebook. :)

MAGKANO ANG PAGIGING TALENTADO?

Dyos ko po! Bakit ba iyong hinayaan?
Na sa Talentado Grand Finals, umuwing talunan?
Ang paborito nilang si MAKATA-TAWANAN
Bakit si YOYO TRICKER ang iyong pinaburan?

Hindi ba't ang hinahanap ay mga talentado?
Na kumakatawan sa madlang Pilipino
Anupa't ang nagwagi'y walang kwentang yoyo
Hindi ko po matatanggap, ang aking pagkatalo..

Napatawa ko ang buong CUNETA
Sa aking ginawang, tulang may komedya
Sabi nga ni Tito Joey, ako'y pambihira
Naaliw ang lahat, natuwa ang bansa..

Kinilig sa aking itong ngang si Juday
Si Alessandra nama'y muntik ng hinimatay
Si Direk Odie nga'y, tumulo ang laway
Si Direk Joey nama'y taas ang dal'wang kamay..

Napahanga ko ang mga Pilipino
Sa aking armas na likas na talento
Hindi sa simpleng pagpapaikot ng YOYO
Nabibili pala ang maging TALENTADO..

:(

Sa aking mga fans, hayaan na lang ninyo
Yan po ang kapalaran ng abang tulad ko
Akin na lang gagamitin ang malayang espasyo
Ng makabagong internet para sa'king talento..